December 13, 2025

Home SPORTS

PBA referee na nagretiro matapos ang mahigit 30 taon, hinangaan ng netizens

PBA referee na nagretiro matapos ang mahigit 30 taon, hinangaan ng netizens
Photo courtesy: Nol Quilinguen/FB

Pinusuan ng netizens ang isang referee ng Philippine Basketball Association (PBA) na nag-anunsyo ng kaniyang pagreretiro matapos ang mahigit 30 taon.

Sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Hulyo 25, 2025, sinabayan ni Nol Quilinguen ang pagtatapos ng PBA Season 49 Philippine Cup sa pagsasara na rin ng kaniyang kabanata sa hard court bilang referee sa loob ng halos mahigit tatlong dekada.

“Ngayong araw, opisyal ko nang sinasabit ang aking pito. Sa loob ng mahigit tatlong dekada bilang isang referee, naging bahagi ako ng bawat sigla at emosyon sa loob ng court,” saad ni Nol.

Dagdag pa niya, “Sinasabi man ng aking puso't isipan na kaya pa, ngunit ang aking katawan ay nagsasabing oras na para magpahinga.”

Ranking ng Pilipinas, patuloy pagratsada sa 33rd SEA GAMES 2025

Sa kanila ng mga hindi maiiwasang pangungutyang maaaring ibato ng fans mula sa “mga bias at lutong tawag,” nagpasalamat si Nol sa lahat ng mga nagtiwala raw siya kaniya sa kaniyang patas at tapat na serbisyo.

“Mula sa aking mga kasamahan na naging pamilya ko sa bawat laro, sa mga kaibigan na nagbigay inspirasyon, sa mga players na pinaghatulan ko ng patas at tapat, hanggang sa mga namuno/namumuno ng liga na nagtiwala sa aking kakayahan—maraming salamat sa bawat sandali, aral, at alaalang binuo natin,” ani Nol.

Kaya naman ang pamamaalam ni Nol mula sa hardcourt, agad na inulan ng papuri mula sa netizens.

“Isa sa pinakamagaling na referee!”

“Nakakaiyak na nakakatuwa, all the best para sa’yo!”

“Parte ka na ng mga kasaysayan ng PBA”

“Isang mapagpalang desisyon para sa panibagong yugto ng buhay mo.”

“Isang malaking saludo po sa inyo.”

“Ikaw ang  tunay na naghatid ng championships sa PBA!”

Samantala, sa pagtatapos ng season 49 ng Philippine Cup, balik kampeonato ang San Miguel Beermen matapos nilang pataobin ang Talk ‘N Text Tropang Giga sa finals sa iksor na 107-96.