Inulan ng samu't saring reaksiyon at komento ang naging birthday greeting post ng komedyanteng si Dennis Padilla para sa anak niyang si Claudia Barretto, na mababasa sa kaniyang Instagram post.
Makikita sa Instagram post ni Dennis ngayong araw ng Sabado, Hulyo 26, ang simpleng pagbati niya sa anak.
"Happiiii bday anak," mababasa sa caption ng post.
Kalakip ng post ang lumang larawan nina Dennis at Claudia at may text caption din itong "Happiiii bday Claui.. God bless you more."
Sa comment section naman ng post ay "pinagsabihan" ng mga netizen si Dennis, lalo't naging usap-usapan ang naging isyu sa rant post ng komedyante patungkol sa kasal ng anak, matapos siyang hindi umano naihatid ang anak sa altar dahil wala siya sa programme.
KAUGNAY NA BALITA: Dennis kay Claudia, mga anak: 'Sana sinabi n'yo na lang 'di ako part ng entourage!'
KAUGNAY NA BALITA: Dennis Padilla, binudol daw ng anak: 'Father of the bride naging visitor'
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"kala ko ba stop na?"
"Regaluhan mo po ng peace of mind ang mga anak mo,wag na po bagoong at sombrero"
"Here we go again!"
"Sabi mo stop na pero ito ka nanaman"
"Papansin ka nanaman ,sa tingin mo pagkatapos ng ginawa mo sa wedding niya ,ok parin kayo?"
Sa kabilang banda, may mga kumampi rin kay Dennis at ipinagtanggol siya.
"Sorry sa mga bashers dto pero para sa tunay na magulang Anu pa man po Ang mga masasakit na nangyari sa fast pagbalik baliktarin man po natin ang Mundo magulang prin yan may mga bagay ka na masasabi na akala mo kaya mo panindigan pero ama ka lng na labis na nangungulila sa anak makka relate Jan kapag magulang kna."
"Ang pag mamahal ng magulang sa mga anak ay Unending yan. GODBLESS YOUR HEART sir denis."
"ang Magulang Hindi Kayang Tiisin ang Anak .. kaya Wag Mo Ng questionin .. Ganun sya Magmahal Kahit na may Pagkakamali sya sa mga Anak Nya ..Pero Hindi Mawawala ang Pagmamahal ng Magulang sa anak .. God Bless Po Sir Dennis .."
"Yaan nio na po mgulang yan khit nagkasamaan ng loob ay di p din nia mmatitiis kc nandun p din pg mamahal"
"Ganiyan talaga ang mga magulang... hayaan na po, hindi naman natin sila kaano-ano."
Samantala, wala namang makikita sa comment section kung nag-reply o may tugon ba si Claudia sa pagbati ng ama.