Naloka na naman ang viewers at netizens ng action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" dahil sa hindi inaasahang plot twist.
Sa latest episode kasi ng serye, ini-reveal na may ibang karelasyon o kalaguyo pala si Roberto Guerrero, ang mayor ng Maynila na ginagampanan ng premyadong aktor na si Albert Martinez.
Kaya pala wafakels siya nang makita niyang ginagahasa ng kaniyang amang si Don Gustavo Guerrero, na ginagampanan ng senior actor na si Dante Rivero, ang misis niyang si Jackie played by Angel Aquino dahil hindi niya talaga mahal ito.
Iba pala ang isinisigaw ng kaniyang puso, kundi may kabit siya, at take note, mala-Tarzan ang hitsu ha! Bortang Tarzan!
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Pangit nman ng kwento nitong batang quapo una sa guererro family stroke tpos c idol albert martinez gaganap na bakla ano kba coco Martin wla kaba iba kwento"
"kaloka si Coco , ginawang bakla ang role ni Albert Martinez"
"si mayor ratbu pala ang hanap"
"Bakit naging mala-Red Uncle hahaha."
"Hahahaha exciting plot hahaha ang gulo ng pamilya Guerrero..."