January 05, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Marikina blogger, flinex na hindi raw sila naglimas ng baha

Marikina blogger, flinex na hindi raw sila naglimas ng baha
Photo courtesy: Screenshot from Inside Marikina/FB

Ipinagmalaki ng isang personal blogger mula sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City na isa raw sila sa mga hindi naglimas ng baha, sa pananalanta ng habagat.

Kinilala ang nabanggit na blogger bilang si ‘Inside Marikina.'

Makikita sa Facebook post ng blogger na karamihan sa mga lugar sa kanila ay hindi binaha nang humagupit ang mga Bagyong Crising, Dante, at Emong sa bansa, pati na rin ang enhanced southwest monsoon o habagat.

Mababasa sa caption ng kaniyang post: “Pati yung mga nadadaanan namin dati na binabahang kalsada sa Con Dos like Katipunan St, Russet St, Olive St., Binaha man ay mababaw at saglit lang. Napakabilis humupa ng baha sa mga kalsadang nabanggit.”

Human-Interest

ALAMIN: Gaano katagal bago mapanis mga hinandang pagkain noong holiday?

Marami raw ang nagulat matapos mapagtantong tila hindi ganoon kalala kumpara noong mga nakaraang taon ang sitwasyon nila ngayon.

Ibinahagi rin niya sa kanyang Facebook post ang nakikita nilang mga dahilan kung bakit hindi sila binaha gayong tatlong bagyo at habagat ang nagdaan sa ating bansa:

Mababasa sa caption nito:

Gumagana yung mga nilagay na mga malalaking drainage.

- Yung ginawang drainage ang ilalim ng kalsada. ilang taon din natin tiniis ang traffic at re-routing para lang gawing kanal ang ilalim ng kalsada.

Working ang mga pumping stations.

- madaming pumping stations sa Marikina para pwersahing alisin ang tubig baha at ipadaloy sa mga creek or sa ilog.

Malaking tulong ang ongoing Marikina River improvement project

- maluwag na ang daluyan ng tubig sa ilog

- May dredging ng National-DPWH thru the project Contractor.

- Tapos may SEPARATE DREDGING din na ginagawa ang Marikina LGU.

Malaking tulong din ang Upper Wawa Dam.

- Napigilan nito ang mabilis na pagdaloy ng napakadaming tubig sa marikina river.

- inipon niya muna at yung sobra sa capacity niya, yun ang dahan dahan nitong naibagasak sa ilog. Hindi Biglaan gaya ng dati.

Nalinis ang mga maliliit na kanal.

- bago pa man ang tag-ulan season ay talagang nililinis na ang mga daluyan ng baha.

Natutukan ng Marikina City Government ang mga choke points kung saan may pagbabara habang umuulan.

- habang umuulan ay continous na nililinis ito ng Marikina City Engineering at CEMO

- According kay Mayor Maan, ay galing sa mga katabing lungsod at munisipyo ang mga basurang nakalap sa mga chokepoints.

GENERALLY ay Walang naka kalat na basura sa Marikina

- HINDI MAN SA LAHAT NG LUGAR sa ating lungsod. Pero generally, malinis ang paligid sa Marikina.

Ipinaalala naman ni Inside Marikina na ipagpatuloy ang disiplina at sa ilang mga lugar na may mga basura pang nakakalat, magbagong-buhay na raw ang mga ito.

Pinasalamatan din ng blogger ang mga ahensya ng gobyerno at mga politikong tumulong sa kanila na mapunta sa ganoong estado ang kanilang mga lugar.

“Hindi po ito kaya ng isang tao lang. Ito ay dulot ng sama-samang effort ng marami over the years. Hindi ito project ng isang tao or project na minsan or kahapon lang ginawa,” ani Inside Marikina sa caption.

“Alam namin na hindi pwedeng totally flood free ang Marikina dahil VALLEY po tayo - meaning, sa atin po talaga ang baba ng tubig galing sa bundok, pero may NAPAKALAKING IMPROVEMENT na kitang kita at ramdam,” dagdag pa niya.

Hiling din ni Inside Marikina na sana ay hindi na bahain ang kaniyang mga kababayan sa tabi ng Marikina River upang hindi na nila kailangan pang lumikas.

Nagpapasalamat naman ang personal blogger sa Panginoon na ligtas silang lahat, at humiling na ipagdasal ang mga residenteng lubos na apektado ng baha.

Idiniin niyang ang lahat ng ito ay pawang obserbasyon at mula sa kanilang personal na mga karanasan.

Vincent Gutierrez/BALITA