December 22, 2025

Home FEATURES Human-Interest

‘Libreng Laundry’ isinagawa sa mga apektado ng pag-ulan, pagbaha

‘Libreng Laundry’ isinagawa sa mga apektado ng pag-ulan, pagbaha
Photo courtesy: Mark Balmores/MB

Pinilahan ng mga residente sa Cubao, Quezon City ang libreng laundry sa Save5 Laundry Center, Nepa Q Mart nitong Sabado, Hulyo 26.

Ang serbisyong to ay aarangkada mula Sabado, Hulyo 26 hanggang Linggo, Hulyo 27 para sa mga pamilyang naapektuhan ng habagat at bagyo.

Sa pakikipagtulungan sa Save5, inilunsad ng isang detergent brand ang libreng palaba bilang parte ng proyekto nitong “Cycles of Care,” kung saan naglalayong magbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng sunod-sunod na pag-ulan at baha dala ng habagat at bagyo.

Madadatnan ang serbisyong ito sa 30 branches ng Save5 sa Metro Manila.

Human-Interest

ALAMIN: Gaano kadalas ba dapat magpalit ng kobrekama at punda ng unan?

Bawat pamilya ay maaaring magdala ng labada na aabot hanggang 8 kilo.

Sean Antonio/BALITA