Tila isa marahil sa mga inaabangan ng maraming fanney sa darating na GMA Gala 2025 ay ang makakatambal nina Kapuso Sparkle artists Will Ashley at Dustin Yu.
Kaya naman sa panayam kasama ang GMANetwork.com kamakailan, naitanong sa dalawa ang tungkol dito.
"Makikita n'yo na lang. Tingnan natin," makahulugang sagot ni Dustin.
Sabi naman ni Will "Nako! Sana nga po mayro’n e. Pero well 'di pa natin alam kasi wala pa namang August 2. So malay natin baka mayro’n. Pero 'wag muna umasa."
Parehong idinidikit sa dalawa ang kapuwa nila housemate at Kapamilya actress na si Bianca De Vera.
Pero sa pagitan nina Will at Dustin, tila higit na nakakalamang ang huli dahil dito ipinapares sa Bianca bilang love team.
MAKI-BALITA: Will, masaya para kina Dustin at Bianca: 'Support ko sila'
Samantala, si Will naman ay umamin sa isang panayam na talagang humahanga kay Bianca at legit na good friends silang dalawa.
MAKI-BALITA: Will, umamin sa nararamdaman kay Bianca: ‘Talagang nagkaroon kami ng relationship’
Matatandaang kasing nagkatrabaho na sila sa makasaysayang collaboration project ng ABS-CBN at GMA Network na pinamagatang “Unbreak My Heart.”