Ibinahagi ng Kapamilya star at social media personality na si Ivana Alawi ang paghahanda nila ng kaniyang ina at pag-iikot nila sa mga kalsada upang magbahagi ng hot meals, sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo at habagat.
Sa kaniyang Facebook video na naka-upload noong Biyernes, Hulyo 25, ibinahagi ni Ivana ang pagluluto nila ng kaniyang ina ng bulalo, at paglalagay nito sa mga plastic container para ipamahagi.
Inabutan pa ni Ivana ng ₱1,000 ang mga naabutan niya ng pagkain.
Nagpasalamat naman kay Ivana ang mga naabutan niya ng pagkain, lalo na ang mga bata.