December 12, 2025

Home BALITA

Grado ng administrasyon ni PBBM, incomplete—Akbayan

Grado ng administrasyon ni PBBM, incomplete—Akbayan
Photo Courtesy: Akbayan, Bongbong Marcos (FB)

Binigyan ng Akbayan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ng gradong “incomplete” ilang araw bago ang ulat nito sa bayan.

Sa inilunsad na “Pag Mahal Mo” People’s Agenda nitong Sabado, Hulyo 26, sinabi ni Akbayan Rep. Atty. Chel Diokno na kinapos umano ang pangulo sa pagtataguyod at pagsuporta sa karapatang-pantao.

“The Marcos administration has fallen short in upholding and advancing human rights in the country. Abuses against human rights defenders, media practitioners, and civil society organizations remain widespread,” saad ni Diokno.

Dagdag pa niya, “President Marcos can redeem himself by certifying as urgent in his SONA human rights-related proposals. If he can do that, we will be more than willing to give him a passing grade.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Bukod dito, ayon sa kongresista, ang isa pa raw paraan upang makabawi si Marcos ay ang pagsuporta nito at pagsertipika bilang agaran ang ₱200 wage hike bill.

Matatandaang tuluyan itong dinedma ng Senado at Kamara noong Hunyo bagama’t ipinatupad naman ang ₱50 na dagdag-sahod para sa mahigit isang milyong minimum wage earners sa Metro Manila.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Walang idadagdag!’ Kamara, Senado, tuluyang dinedma 'wage hike bill

MAKI-BALITA: ₱50 na dagdag-sahod sa NCR, ipapatupad sa Hulyo