December 19, 2025

Home BALITA Internasyonal

Google, pinagmulta matapos makuhanan ng street view camera lalaking nakahubad sa bakuran

Google, pinagmulta matapos makuhanan ng street view camera lalaking nakahubad sa bakuran
Photo courtesy: via Google

Pinagmulta ng korte ang Google matapos na may makuhanang hindi raw kaaya-aya ang kanilang Google Street View camera.

Ayon sa mga ulat, isang Argentine police ang nakuhanan ng Google Street View camera habang nakahubad sa kaniyang sariling bakuran noong 2017. 

Bunsod umano ng kahihiyang inabot matapos siyang mag-viral noon sa social media at nai-broadcast din sa Argentine TV, nagpasya ang nasabing pulis na magsampa ng reklamo sa korte.

Ayon sa biktima, nasa likod umano siya ng (6.6 foot) na pader nang mahagip siya ng nasabing camera, kung saan iginiit niyang malaking kahihiyan daw ang inabot niya mula sa trabaho at kapitbahay bunsod ng paglabag daw sa kaniyang privacy.

Internasyonal

Canadian government, naglabas ng ‘travel warning’ sa mga lokal nilang magta-travel sa Pilipinas

Samantala, bago maipanalo ang nasabing kaso, isang korte pa raw ang nagbasura ng kaniyang reklamo matapos igiit na mismong ang lalaki raw ang may kagagawan kung bakit siya nahagip sa camera dahil sa paglalakad niya ng walang maayos na suot.

Tinatayang nasa $12,500 ang kailangang bayarang danyos ng Google dahil sa sinapit ng biktima.