January 04, 2026

Home BALITA National

#EmongPH, nakalabas na ng PAR

#EmongPH, nakalabas na ng PAR
Photo courtesy: PAGASA (FB)

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong si #EmongPH, batay sa 11:00 AM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado, Hulyo 26.

Saad ng PAGASA, bandang 10:00 AM, ang sentro ng bagyo ay naispatang nasa layong 695 km Hilagang-Silangan ng Itbayat, Batanes (25.7°N, 126.0°E) batay sa lahat ng available na datos, sa labas ng PAR.

Taglay nito ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 55 km/h malapit sa gitna, bugso ng hangin na hanggang 70 km/h, at may central pressure na 994 hPa.

Samantala, asahan pa rin ang mga pag-ulan dulot pa rin ng enhanced southwest monsoon o habagat, lalo na sa Metro Manila, Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, Quirino, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Northern Samar, Western Visayas, Negros Occidental, at Davao Oriental.

National

Leviste, pinuna pagtaas sa ₱18.58B ng MOOE ng Kamara sa 2026 nat'l budget