Nagbigay ng babala si Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda sa mga gumagawa ng kalokohan sa internet.
Sa programang Balitang Antemano ng DZMM Teleradyo nitong Sabado, Hulyo 26, sinabi ni Aguda na magkakaroon umano sila ng common threat monitoring center.
“Andiyan po, nakatutok 'yan hindi lang ang mga law enforcement agent pati mga telco po. Isa pong malaking dashboard,” saad ni Aguda.
Dagdag pa niya, “Pagka nag-alarm po at nakita namin 'yong cellphone n'yo o 'yong website n'yo na may ginagawa kayong kalokohan, hindi lang isa kundi siguro 12 ahensya ang hahabol sa inyo.”
Kabilang sa mga tinalakay ni Aguda sa programa ay ang progreso ng pagsugpo nila sa mga cyber attacks tulad ng financial scam at illegal gambling sa online world.
Matatandaang kamakailan lang ay nilusaw ng Meta ang social media accounts ng ilang influencers na nagpo-promote ng illegal online gambling tulad nina Sachzna Laparan, Boy Tapang, Mark Anthony Fernandez, Kuya Lex TV, at 16 na iba pa.
MAKI-BALITA: Meta, nilusaw socmed account ng ilang influencers na endorser ng illegal online gambling