Kung may salitang maglalarawan sa paggamit ng social media ng mga netizen ngayon, ito ay "babad."
Usap-usapan ang lumabas na balitang batay sa pag-aaral ng Meltwater at ng We Are Social, lumalabas na 8 oras at 52 minuto kung gumamit ng social media araw-araw ang karamihan sa mga netizen. Kaya naman, sinasamantala ito ng mga karamihan upang isagawa ang iba't ibang transaksyon.
Lahat ay puwedeng magawa sa social media, magmula sa simpleng kumustahan, pakikipag-ugnayan, hanggang sa pagbebenta at pakikipagkalakalan. Ang iba, ginagamit ang social media upang ilako ang kanilang mga maseselang video, kagaya na lamang ng mainit na isyu ni "Red Uncle" mula sa China.
MAKI-BALITA: Si Red Uncle at ‘pagtikim,’ pambibiktima niya sa higit 1,000 lalaki
MAKI-BALITA: ALAMIN: Bakit viral at ginagawan ng memes ang kuwartong ito?
Para sa ilan, nakakawala ito ng respeto at dignidad, pero kung wala ka nang makain, ano pa bang mapupuntahan? Ang iba, nilulunok na lamang ang pride. Pero siyempre, depende pa rin ito sa tao.
Pero saan nga ba nagbibilihan at nagbebentahan ang mga tao ng maseselang litrato at video?
X (dating Twitter)
Naku, mukhang open secret naman ito. Dito makikita na talamak talaga ang bentahan ng maseselang video, na puwedeng magsimula sa ₱150 o higit pa. Mula sa mga mukbangan ng hotdog, o kaya naman sa pagkain ng talaba at tahong, marami niyan sa X. Pati 'collaborations,' marami dito. Yung iba naka-maskara, yung iba lantad ang fes. Depende sa trip basta nandoon sila. Kilala mo ba si Red Uncle? Kalat ang mga video niya sa X.
Telegram o TG
Iba kasi ang seguridad ng Telegram, mahigpit at hindi napipigilan ang maseselang transaksyon. Dito mababasa ang "Message me at my telegram account for lifetime subscription." Lifetime daw, pero makalipas ang isang linggo, deleted na ang account.
Dito rin madalas nag-uusap ang mga senders at receivers para sa transaction purposes.
Sabi nila, kapag may account daw sa Telegram, may posibilidad na makahanap ng karelasyon, ka-hook-up, o "friends with benefits." Malulusutan ang problema basta may kasama, mahirap mag-isa, dapat dalawa.
OnlyFans/Just For Fans Website
Parang Telegram din, ang platform na ito ay mas mahal lang at mas private nang kaunti. May shows na mapapanood, may video at litrato din. Siguro kapag paldo, dito sa OnlyFans o mas kilala bilang ‘OF,’ marami rin dito.
Maraming paraan talaga para kumita, isa na ang mga ito sa mga paraang iyon. Ang mahalaga sa ganito, consent. May agreement, dapat payag ang parehong partido. Nasa pag-uusap, pero dapat susunod pa rin sa batas.
Sa kabilang banda, may consequences din ang pagbebenta at pagpapakita ng maseselang bahagi ng katawan at aktibidad, dahil maaari itong maipakalat at makaaapekto sa imahen, reputasyon, at pangalan ng mga sangkot. Kaya bago gawin, makasampung pakaisipin.
Vincent Gutierrez/BALITA