Magpapatupad ng liquor ban ang Quezon City local government dahil sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr., sa darating na Lunes, Hulyo 28.
Ayon sa Executive Order No. 9 ng Quezon City Office of the Mayor, isinasaad dito na ang nasabing liquor ban ay magiging epektibo mula 12:01 ng umaga ng Hulyo 28 hanggang 6:00 ng gabi para maiwasan ang karahasan epekto ng alak na maaaring maging sanhi ng kaguluhan sa komunidad at pangkalahatang publiko.
Dagdag pa ng executive order na kung sino man ang lalabag ay papatawan ng karampatang parusa na naaayon sa batas.
Ang ika-4 na SONA ni Marcos ay gaganapin sa Batasang Pambansa kung saan inaasahang dadalo ang 85 diplomat.
Nakaantabay naman ang mahigit-kumulang na 27,000 security at response personnel.
Sean Antonio/BALITA