Inintriga ng mga netizen ang post ni ABS-CBN news reporter Katrina Domingo na tila pasaring umano kay GMA news reporter Nico Waje.
Sa X post kasi ni Katrina Domingo noong Huwebes, Hulyo 24, sinabi niyang nagpapasalamat umano siya dahil sa paalala ng mga batikang reporter sa kanila na hindi dapat sila magpakalunod sa pagtrato ng publiko sa kanila na parang celebrity.
“Grateful for veteran & senior journalists who have been reminding us that reporters should never indulge in being treated as celebrities — and that we should focus on our body of work instead of clout,” saad ni Katrina.
Dagdag pa niya, “Journalist or not, may we be judged on our substance, not our appearance ”
“To be fair the reporter isn't the one putting himself out there,” komento ng isang netizen. “He's just doing his job the best way he can. It's the news outlet trying to milk this trend for clout, syempre di naman sya makakahindi.”
Kaya nilinaw ni Katrina na umaayon siya sa sinabi nito. Na hindi naman talaga dapat isisi sa reporter kung bakit ito tinatrato bilang celebrity
“Just to put it on record, okay kami, wala kaming bad blood or bitterness contrary to how others are making it seem,” dugtong pa ni Katrina.
Samantala, narito naman ang iba pang komento ng netizens:
"The typical filipino attitude. Inggeterang froglet."
"Pero sa pag-utot ni Karen Davila at sa pagdaan niya by accident sa likod ni Kabayad, tuwang-tuwa pa kayo nang nag-viral. Pwe!"
"Si sis naman kala mo hindi aware na it's literally similar to how your own network made Atom a celebrity din Even so, both guys are doing their jobs, and they're doing it WELL. Hindi na nila kasalanan yun na naappreciate sila ng tao for their appearance AND substance."
"Pero kung taga abs ang sumikat na reporter, siyempre matutuwa ka ehh no?"
"Oh ayan may clout ka na rin teh. Bitter ka masyado"
"bonus na lang siguro itsura nung tao pero he is adept din naman and normal lang naman na may magadmire,sino po ba nagka clout daw"
"Atom was literally the Kapamilya's Yolanda Journalist Celebrity. Girly pop is jealous af"
"OA! Sorry kung natapakan ni Nico Waje pagka-journalist mo lol kasalanan pa nyang nagviral baha updates niya??"
Sa huli, hindi pa rin nilinaw ni Katrina kung si Nico nga ba talaga ang tinutukoy niya sa kaniyang X post.
Matatandaang muling pinukaw ni Nico ang atensyon ng madla sa paghahatid niya ng weather report sa kasagsagan ng soutwest monsoon o habagat kamakailan.
MAKI-BALITA: Papasok sa PBB? Nico Waje, bet gawing bebe
MAKI-BALITA: GMA news reporter, nagpakilig sa netizens habang nagbabalita