Nagtulungan ang mga residente upang maiahon mula sa malalim na baha ang isang pampasaherong jeep sa Sitio Pook, Ilijan, Batangas City, noong Huwebes, Hulyo 24.
Sa video na kuha ni Angelo Arellano Como, ang jeep ay may dalang pasahero sa loob at ‘di umano napansin ng drayber na hanggang baywang ang lalim ng rumaragasang baha.
Nang makita ito ng mga residente agad silang kumuha ng lubid para mahila paalis ng baha ang sasakyan.
Dahil sa pagbabayanihang ito, ligtas na nakalabas ang jeep kasama ang drayber at sakay nito.
Sean Antonio/BALITA