December 15, 2025

Home BALITA

Malawakang pinsala dinulot ni ‘Emong’ sa Agno, Pangasinan

Malawakang pinsala dinulot ni ‘Emong’ sa Agno, Pangasinan
Photo courtesy: Jerry Rosete/FB

Ibinahagi ng isang netizen ang epekto ng hagupit ng Bagyong “Emong” sa Agno, Pangasinan matapos nitong iparanas ang malakas na hangin at ulan, na naging dahilan ng malawakang pagbaha.

Makikita sa Facebook post ni Jerry Rosete nitong Biyernes, Hulyo 25 na labis na ulan at baha ang dala ni ‘Emong’ sa kanilang bayan, idagdag pa ang pagkasira ng ilang kabahayan at pagbuwal ng poste ng kuryente.

“My hometown Agno, Pangasinan is in dire straits in the wake of Typhoon Emong's landfall and winds/rains which pummeled our coastal town for almost 10 hours,” ani Rosete sa caption.

Matatandaang hinampas ng malalakas na hangin at malawakang ulan ang Agno matapos mag-landfall ng bagyo rito noong Huwebes, Hulyo 24, 10:40 ng gabi.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

Nananawagan sila sa pamahalaan, sa non-government organizations, maging sa mga pribadong sektor na sila ay matulungan at mabigyan ng pagkain at iba pang mga pangangailangan.

Vincent Gutierrez/BALITA