December 20, 2025

Home BALITA Probinsya

Lolo, nahulog sa motorsiklo; muntik nang anurin ng rumaragasang baha

Lolo, nahulog sa motorsiklo; muntik nang anurin ng rumaragasang baha
Photo courtesy: Rhea Vargas via Hazard Web Philippines

Muntik nang anurin ng rumaragasang baha ang isang lolo na lulan ng kaniyang motorsiklo matapos nitong malaglag sa isang bahagi ng kalsada sa Barangay Banate, Libertad, Iloilo.

Makikita sa video ni Rhea Vargas na agad na kumilos ang mga residenteng nakasaksi sa insidente, ngunit mabilis namang dinala ng agos ng baha ang motorsiklo.

Nagpaalala naman ang ang Hazard Web Philippines, isang hazard-related page na naglalayong maghatid ng mga hazard situations sa bansa, sa kanilang Facebook post nitong Biyernes, Hulyo 25 na maging alerto at iwasan ang pagbiyahe ngayong masama ang panahon.

Mababasa sa caption ng post: “Maging alerto at iwasan ang pagbiyahe sa mga lubog sa baha na kalsada, lalo na tuwing o pagkatapos ng malalakas na buhos ng ulan.”

Probinsya

Mag-anak na sakay ng motorsiklo, todas matapos salpukin ng rumaragasang van

Inaasahan din nilang ang bawat isa ay magbabahagi ng disenteng opinyon at komento ukol sa mga ganitong pangyayari.

Vincent Gutierrez/BALITA