January 28, 2026

Home BALITA

Lalaking ‘sabog’ pinagtataga senior citizen sa Rizal; suspek, binidyo pa krimen!

Lalaking ‘sabog’ pinagtataga senior citizen sa Rizal; suspek, binidyo pa krimen!
Photo courtesy: screenshot from contributed video

Patay at halos maputol ang ulo ng isang 68 taong gulang na lalaki matapos siyang pagtatagain ng isang lalaki sa Rodriguez, Rizal.

Ayon sa mga ulat, magkasama sa isang tindahan ang biktima at 33 taong gulang na suspek nang mangyari ang krimen.

Nagawa pa raw i-video ng suspek ang kaniyang pananaga sa biktima. Mapapanood din sa naturang video ang tila paghingi ng tawad ng suspek at iginiit na hindi raw niya alam ang ginagawa niya.

“Pasensya na ha? Hindi ko alam ang ginagawa ko!,” anang suspek sa video.

‘Kaway-kaway mga trentahin at kwarentahin!’ Sikat na Pinoy chocolate, magbabalik na!

Ayon sa mga awtoridad, lulong umano sa ilegal na droga ang suspek at hindi pa tukoy ang kaniyang motibo sa nasabing krimen.

Isang concerned citizen ang nagtimbre sa mga awtoridad hinggil sa sinapit ng biktima. Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at sinubukan pa itong itakbo sa ospital ngunit dead on arrival na ito.

Samantala, sinubukan pang magtago ng suspek ngunit mabilis siyang nasakote ng mga awtoridad. Nasa kustodiya na siya ng pulisya na nahaharap sa kaukulang kaso.