December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Heaven Peralejo, inaming hiwalay na sila ni Marco Gallo

Heaven Peralejo, inaming hiwalay na sila ni Marco Gallo
Photo Courtesy: Heaven Peralejo, Marco Gallo (FB)

Tuluyan na ngang tinuldukan ng aktres na si Heaven Peralejo ang umugong na bulung-bulungan hinggil sa real-score nila ng on-screen partner at special someone niyang si Marco Gallo.

Sa panayam ni TV5 showbiz news reporter MJ Marfori noong Huwebes, Hunyo 24, kinumpirma ni Heaven na hiwalay na raw sila ni Marco.

“We’re not together anymore. It  was a mutual decision po to move forward individually,” saad ni Heaven.

Dagdag pa niya, “So we’re okay. We’re good friends and sana, of course, maintindihan po ‘yon ng mga taong nagmamahal sa amin. And tuloy-tuloy pa rin po ‘yong pagsuporta kahit we’re on a different path.”

Relasyon at Hiwalayan

Gulat yarn? Coco, biglang tinuka si Julia sa ABS-CBN Christmas Special

Kaya naman buksa umano siya sa posibilidad na makatrabaho si Marco sa hinaharap. Dahil, aniya, bago pa man lumevel up ang kanilang relasyon, nagsimula muna sila bilang magkaibigan.

“So ‘yon ‘yong foundation namin,” anang aktres.

Matatandaang pagpasok pa lang ng Hunyo ay inurirat na ng mga netizen sina Heaven at Marco matapos mapansin na inunfollow nila ang isa’t isa sa kani-kanilang Instagram accounts.

MAKI-BALITA: Unang hiwalayan sa Hunyo? Heaven inintrigang inunfollow si Marco