Tila may mararanasang pag-ulan sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa Lunes, Hulyo 28.
Ayon sa weather outlook ng PAGASA nitong Biyernes, Hulyo 25, ang southwest monsoon o habagat ang makakaapekto sa bansa sa araw ng SONA.
Dagdag pa ng weather bureau, asahan ang maulap na panahon na may pana-nakang pag-ulan at pagkidlat sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Western Visayas, Negros Island Region, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Palawan.
Maglalabas ng panibagong update ang PAGASA kung sakalking may pagbabago sa panahon.