December 13, 2025

Home BALITA Metro

Guro, pinatay sa saksak ng mister dahil lang sa socmed post?

Guro, pinatay sa saksak ng mister dahil lang sa socmed post?

Patay ang isang guro matapos saksakin ng sariling mister sa Rizal, kamakailan.

Ayon sa ulat, tinangka pa ng mga doktor ng San Mateo Medical Center na isalba ang biktimang si alyas ‘Ann,’ 34, guro, ngunit binawian din ng buhay bunsod ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kusang-loob namang sumuko at mahaharap sa kasong parricide ang suspek na si alyas “Herson,” 37, barbero.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:10 ng umaga noong Miyerkules, Hulyo 23, nang maganap ang krimen sa bahay ng mag-asawa sa Brgy. Mascap, Rodriguez, Rizal.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Nauna rito, nagkakape umano ang dalawa nang magkaroon ng pagtatalo ang mga ito hinggil sa 'di tinukoy na Facebook post.

Sa galit umano ng lalaki sa ginang ay binuhusan pa niya ito ng mainit na kape sa mukha bago ilang ulit na pinagsasaksak.

Mabilis namang tumakas ang suspek ngunit malaunan ay sumuko rin sa tulong ng ilang kaanak.