December 13, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

Fanney, umalma sa casts ng 'I Love You Since 1892'

Fanney, umalma sa casts ng 'I Love You Since 1892'
Photo Courtesy: Studio Viva (FB)

Usap-usapan sa X (dating Twitter) ang TV adaptation ng hit Wattpad novel na “I Love You Since 1892” ni Binibining Mia matapos ipakilala sa publiko ang mga artistang bibida rito.

Tatlo sa lead cast members ay sina Heaven Peralejo, Jerome Ponce, at Joseph Marco. Ngunit maraming fans ang hindi sang-ayon sa casting ng TV adaptation.

Matatandaang si Janella Salvador ang ipinakilala bilang Carmela sa book cover ng “I Love You Since 1892” noong 2019 sa ilalim ng ABS-CBN Books. 

Pero bago pa ito, nauna nang ipinakilala si Marlo Mortel bilang Juanito na magiging love interest ni Carmela. 

Teleserye

'Buti nagbabasa muna ako' Pagtsugi kay Boboy Garrovillo sa Sang'gre, nagdulot ng kaba

At tila naging maganda ang pagtanggap ng fans para dito. Umasa sila na ang dalawa ang gaganap kapag nagkaroon ng TV adaptation ang naturang nobela.

Ngunit ayon nga mismo sa may-akda ng nobela, may mga bagay na hindi talaga kontrolado.

"Tulad ng magkakaibang landas ng mga aktor/aktres, ang kanilang kinabibilangang kumpanya at maging ang kanilang acting niche," saad ni Binibining Mia sa isang pahayag.

Kaya naman sa trending list ng X, makikita ang pangalan ni Juanito, na ngayo’y gagampanan na ni Jerome. Narito ang ilang reakisyon ng mga netizens:

"jerome ponce as juanito and heaven peralejo as carmela ?!?!?!?! ARE WE FUCKING DEADASS TANGINA paulit-ulit nalang talaga artist niyo viva sobrang cringe"

"ayun na yung gaganap na juanito and carmella? jusko kundi marnella yan wag na manood"

"JANELLA SALVADOR AND MARLO MORTEL WILL ALWAYS BE CARMELA AND JUANITO "

"ang problema sa’yo joseph marco, nasa cast ka na nga, hindi ka pa nagbida-bida para maging juanito man lang"

"yung juanito alfonso nyo mukhang tatakbong governor corrupt edition"

"To #MarNella, always remember that in the eyes and mind of the readers, you will always be our Juanito and Carmela. No live adaptation can ever erase that."

Nakasentro ang kuwento ng "I Love You Since 1892" kay Carmela na nabubuhay sa 21st century ngunit kalaunan ay natagpuan ang sarili sa 19th century bilang si Carmelita Montecarlos. At habang gumagawa siya ng paraan para makabalik sa kasalukuyan, makikilala niya si Juanito Alfonso.