December 22, 2025

Home BALITA Metro

Cashless payment sa MRT-3, kasado na!

Cashless payment sa MRT-3, kasado na!
Photo courtesy: DOTr MRT-3/FB

Ngayong araw, Hulyo 25, ay pormal nang binuksan ang cashless payment bilang alternatibong paraan ng pagbabayad sa MRT-3.

Ang inisyatibong ito ay pinasinayaan ng Department of Transportation (DOTr) katuwang ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), GCash, at ang Department of Information and Communications Technology (DICT).

Sa bagong sistemang ito, puwede nang gamitin ng mga komyuter ang kani-kanilang debit card, credit card, kasama na rin ang kanilang Gcash application para sa mas mabilis na paraan ng pagbabayad ng kanilang mga pamasahe.

Ang kalihim ng DOTr na si Vince Dizon, kasama si DICT secretary Henry Aguda, ay mismong sinubukan ang paraang ito para pormal na isapubliko ang bagong payment method na magsisilbing alternatibong paraan ng mga komyuter para magbayad.

Metro

Pag-iisyu ng Beep card, pansamantalang sinuspinde

Nakapuwesto na rin sa mga turnstile ng mga istasyon ng MRT-3 ang mga card readers para sa gagamit nito.Inaasahan namang susunod din sa ganitong sistema ang LRT-1 at LRT-2 sa mga susunod na buwan.

Vincent Gutierrez/BALITA