Patay ang 15 taong gulang na lalaking nahulog at saka nalunod sa isang ilog sa Old Mangaldan River sa Pangasinan.
Ayon sa mga ulat, naglalaro ang biktima at dalawa pa niyang kaibigan sa isang tulay kung saan nakahawak daw siya sa isang bakal nang bigla siyang biruin at kilitiin ng isa sa kaniyang kaibigan.
Bunsod ng malakas na agos ng tubig, nahirapan umano ang mga awtoridad na hanapin ang katawan ng biktima hanggang sa matagpuan itong wala nang buhay.
Ayon sa pamilya ng biktima, matagal na raw nilang pinapaiwas ang biktima mula sa kaniyang mga kaibigan.
Desidido ang pamilya ng nasabing binatilyo na magsampa ng kasong reckless imprudence resulting in homicide sa laban sa 18-anyos na suspek at kaibigan ng biktima.