Umalma si Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña sa mga tumatawag umanong “bakla” kay acting Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte hinggil sa nakaambang boxing match nila ni Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III.
Sa pamamagitan ng Facebook post nitong Biyernes, Hulyo 25, 2025 ni Cendaña na hindi raw karapat-dapat na matawag na bakla ang alkalde.
“Please lang huwag nyo tawaging 'bakla' si Baste dahil umatras siya sa boxing nila ni General Torre na siya mismo ang naghamon,” anang mambabatas.
Dagdag pa niya, ang mga bakla raw ay matatapang at may paninindigan—bagay na wala raw sa mga Duterte.
“Maraming bakla ang matapang at may paninindigan. Hindi ganyan si Baste, hindi ganyan ang mga Duterte,” aniya.
Umugong ang mga alegasyong posible raw hindi matuloy ang tapatang Duterte-Torre matapos maglatag ng mga kondisyon si Baste bago raw niya upukan si Torre.
"Kung serious ka talaga ha, these are my conditions. Pakiusapan mo 'yang amo mo na Presidente, let it come out of his mouth that all elected officials should undergo a hair follicle drug test. Papalagan ko 'yang charity-charity mo na 'yan," anang Duterte.
KAUGNAY NA BALITA: Baste, may kondisyon bago makipagbugbugan kay Torre