Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na nakaalis na raw ng bansa si Davao City Acting Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, itinimbre raw sa kanila ng intel mula sa Bureau of Immigration ang paglipad ni Baste kasama ang kaniyang pamilya at ilang staff nitong Biyernes ng umaga, Hulyo 25, 2025 sakay ng Scoot Flight TR 369.
Matatandaang sa Linggo, Hulyo 27 nakakasa ang inaasahang charity boxing match sa pagitan nila ni Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III sa Rizal Memorial.
KAUGNAY NA BALITA: Suntukang Torre-Baste, gaganapin sa Rizal Memorial Coliseum; boxing ring, inihahanda na?
Kaugnay nito, matatandaang noong Huwebes, Hulyo 24, nang ilatag ni Baste ang kaniya raw mga kundisyon bago makipagbugbugan kay Torre.
"Kung serious ka talaga ha, these are my conditions. Pakiusapan mo 'yang amo mo na Presidente, let it come out of his mouth that all elected officials should undergo a hair follicle drug test. Papalagan ko 'yang charity-charity mo na 'yan," anang Duterte.
KAUGNAY NA BALITA: Baste, may kondisyon bago makipagbugbugan kay Torre