Patay na nang natagpuan ang pitong buwang sanggol na nalunod sa loob ng kanilang bahay matapos mag-high tide sa Camarines Sur.
Ayon sa mga ulat, nagawa pa raw ng ina ng biktima na painuman ito ng gatas bandang madaling araw, ngunit kinaumagahan ay wala na raw ito sa kanilang tabi.
Batay sa salaysay ng mga awtoridad, natagpuang nalulunod sa ilalim ng lababo ang nasabing sanggol matapos abutin ng high-tide ang kanilang bahay.
Depensa ng mga magulang ng biktima, hindi na raw nila namalayan ang nangyari sa kanilang anak bunsod ng kanilang pagod sa paghahanap-buhay.
Kasalukuyan ng nakaburol ang biktima.