Natimbog ng mga awtoridad ang apat na lalaki na nagpasok ng pinaghihinalaang shabu sa loob ng tent sa evacuation center sa Taguig.
Ayon sa mga ulat, dalawa sa mga suspek ang mismong evacuees sa nasabing lugar habang dalawa naman ang dumayo para sa kanila raw “pot session.”
Lumalabas sa imbestigasyon na mismong mga namamahala sa evacuation center ang nakatunog sa kahina-hinalang galaw ng mga suspek matapos papasukin ang dalawang dumayong suspek at saka sila nagkulong sa loob ng tent.
Doon na raw sila humingi ng tulong sa pulisya kung saan kumpirmadong nakuha sa kanila ang mga sachet ng shabu na tinatayang nasa ₱21,000 ang halaga.
Agad namang naaresto ang mga suspek na nakapuwa nahaharap sa paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002.