Naghahanda na 'di umano si Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III sa usap-usapang suntukan nila ni Davao City Vice Mayor Sebastian "Baste" Duterte.
Matatandaang kumasa si Torre sa umano'y hamong suntukan ni Duterte, na nag-ugat dahil sa pahayag ng huli na matapang lang daw ito dahil may posisyon.
“Tamang-tama dahil marami ang nasalanta ngayon ng bagyo at baha. Maybe we can use this moment, or use this opportunity to raise funds. Charity boxing match! Para mabilis, this coming Sunday? [Hulyo 27], sa Araneta. 12 rounds, puwede. 12 rounds ng suntukan para maganda at marami-rami ang ma-raise natin,” saad ni Torre, sa panayam ng media noong Miyerkules, Hulyo 23.
MAKI-BALITA: Torre, kumasa sa hamong suntukan kay VM Baste; inaya ng 12 rounds sa Araneta!
Sa isang video na lumabas sa social media, mapapanood ang pag-eensayo ni Torre sa loob ng PNP gym sa Camp Crame sa Quezon City nitong Huwebes, Hulyo 24.
Gayunman, wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Torre at Duterte kung matutuloy ang suntukan nila sa Linggo, Hulyo 27.