Tila ready nang makipagsuntukan si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III kay acting Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte dahil aniya sine-set up na ang boxing ring sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila.
Matatandaang sinabi ni Torre, nang kumasa siya sa hamon ni Duterte, na maaari nila ito gawing charity event upang makatulong sa mga nasalanta ng bagyo.
MAKI-BALITA: Torre, kumasa sa hamong suntukan kay VM Baste; inaya ng 12 rounds sa Araneta!
Kaugnay nito, naispatan si Duterte na tila nag-eensayo na para sa bakbakan noong Miyerkules ng gabi, Hulyo 23.
MAKI-BALITA: Baste, naghahanda na sa bugbugan nila ni Torre?
Habang nitong Huwebes, Hulyo 24, matapos ang disaster response meeting kay Pangulong Bongbong Marcos Jr., nag-ensayo na rin si Torre sa loob ng PNP gym sa Camp Crame sa Quezon City.
MAKI-BALITA: Torre, nag-eensayo na para sa suntukan nila ni Baste
Bagama't hindi pa sigurado kung dadalo si Duterte, ani Torre na tuloy pa rin ang pamimigay nila ayuda sa mga nasalanta ng bagyo at habagat.
“It’s all up to him… It will be at the Rizal Memorial Coliseum. A (boxing) ring is already being set up there. There are already sponsors who committed to giving ayuda to those affected by the typhoon,” saad ni Torre sa isang panayam matapos ang kaniyang ensayo.
“Anytime, I am ready. Now if he’s not there, we will just continue with our activity of giving ayuda to our kababayan,” dagdag pa niya.
Magaganap ang boxing match sa Linggo, Hulyo 27, dakong alas-9 ng umaga sa naturang lugar.