Nagbigay ng mensahe si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. para sa lahat, kaugnay sa nararanasang kalamidad ng sunod-sunod na pag-ulan dulot ng bagyo, habagat, at pagkakaroon ng iba't ibang epekto nito gaya ng baha at landslides.
Ayon kay PBBM, sa gitna ng kalamidad, inuuna ng pamahalaan ang kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng mga Pilipino.
"Sa gitna ng kalamidad, inuuna ng inyong pamahalaan ang kaligtasan, kalusugan, at kapakanan ng bawat Pilipino. Patuloy ang ating pagtugon sa epekto ng malakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng habagat sa iba't ibang panig ng bansa," aniya.
Kumikilos daw ang lahat ng mga ahensya, katuwang ang lokal na pamahalaan, na walang patid na nagsasagawa ng mga rescue at relief operations upang masigurong tiyak na makararating ang mga tulong sa mga apektadong pamilya.
Hinihikayat ng pangulo ang lahat na makipagtulungan sa mga awtoridad, sundin sila, at agad na lumikas sa lalong madaling panahon.
Bukod sa habagat, kasalukuyang nananalasa sa bansa ang dalawang bagyo, na pinangalanang #DantePH at #EmongPH.