December 12, 2025

Home BALITA Metro

OVP namahagi ng hot meals, tubig sa frontliners at evacuees sa Maynila

OVP namahagi ng hot meals, tubig sa frontliners at evacuees sa Maynila
Photo courtesy: OVP/FB

Ibinida ng Office of the Vice President - Disaster Operations Center (OVP-DOC) ang pamamahagi nila ng hot meals at tubig sa Parola, Tondo, Maynila para sa evacuees, responders, at iba pang volunteers matapos ang malakas na pag-ulan dulot ng bagyo at habagat.

Ayon sa OVP, sa nasabing deployment, nakapaghatid ang OVP ng mahigit 1,610 packed biscuits, packed meals at tubig sa kabuuang 322 volunteers na tumulong sa mga apektadong residente ng lugar.

Lubos daw na nagpapasalamat ang OVP sa lahat ng volunteers na walang pag-aalinlangang naglaan ng kanilang oras, lakas, at puso para tumulong sa ating mga kababayan na naapektuhan ng matinding pagbaha.

"Patuloy na rescue at preemptive evacuation ang tinututukan ngayon ng ating mga magigiting na mga frontliners mula sa lokal na pamahalaan upang ligtas na mailikas ang mga kababayan natin sa Parola, Tondo kung saan dama pa rin ang hagupit ng masamang panahon at pagbaha sa naturang lugar," mababasa sa latest post ng OVP, na makikita sa opisyal na Facebook page.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

"Bilang suporta sa pagpapatatag ng ating mga rescuers, frontliners at mga evacuees, handa rin ang ating Kalusugan Food Truck na mamahagi ng mga hot meals at tubig," dagdag pa.