Nag-trending sa X si Kapamilya star Angel Locsin matapos niyang mag-congratulate sa anak ng kaniyang mister na si Neil Arce, na si Joaquin Arce, bilang bagong artist ng Star Magic.
Pagkatapos ng halos ilang taon, muling nag-post sa kaniyang Instagram story si Angel para batiin si Joaquin na kaniyang stepson.
"Me, your mom & your dad are very proud of you. Can’t wait to work with you," mababasa sa caption ni Angel, kalakip ang larawan ni Joaquin mula sa Star Magic.
Kaya naman, asang-asa na ang fans at supporters ni Angel na muli siyang makita ulit, at makitang umaarte sa telebisyon o pelikula.
Matatandaang simula noong matapos ang presidential elections noong 2022 ay nag-showbiz at social media hiatus si Angel.
Pero noong Enero 2025, muling nabulabog ang social media nang magparamdam si Angel, para ipabatid sa lahat na na-hack ang kaniyang X account, subalit naibalik naman ulit ito sa kaniya.
KAUGNAY NA BALITA: Bakit kaya? Angel Locsin, trending sa X!
KAUGNAY NA BALITA: Angel Locsin biglang nag-endorso ng 'crypto' sa X, tapos na socmed hiatus?
KAUGNAY NA BALITA: Neil Arce, nagbigay ng update sa 'pagbabalik' socmed ni Angel Locsin
Kaya naman sa “paggalaw ng baso” ni Angel sa social media, ito na ba ang hudyat ng kaniyang muling pagiging aktibo ulit sa social media at showbiz?