December 13, 2025

Home BALITA

DOH, nagpaalala sa publiko na huwag gumamit ng 'doxycycline' nang walang reseta

DOH, nagpaalala sa publiko na huwag gumamit ng 'doxycycline' nang walang reseta

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes, Hulyo 24, ang publiko na huwag gumamit ng "doxycycline" ng walang reseta ng doktor.

Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa leptospirosis.

Gayunman, anang DOH, kapag mali ang pag-inom ng naturang antibiotic ay maaaring mawalan ito ng bisa laban sa mga mikrobyo, na maaaring magresulta upang maging mas mahirap gamutin ang simpleng impeksiyon lamang.

Dagdag pa ng DOH, maaari itong humantong sa matagal o mas matinding pagkakasakit.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Kapag mali ang pag-inom, pwedeng mawalan ito ng bisa laban sa mga mikrobyo at maging mas mahirap gamutin ang simpleng impeksyon. Pwede itong humantong sa matagal o mas matinding pagkakasakit,” anang DOH.

“Nakadepende ang pag-inom ng doxycycline sa exposure o risk level ng taong nalubog sa baha,” ayon pa sa DOH.

Payo ng DOH, magpatingin sa doktor para sa tamang reseta sa paggamit ng antibiotic na ito.

Matatandaang una nang nagbabala ang DOH sa publiko na mag-ingat laban sa sakit na leptospirosis dahil na rin sa maraming tao ang napipilitang lumusong sa baha, na maaaring kontaminado ng ihi ng daga, dulot ng malalakas na pag-ulan na nararanasan sa ilang lugar sa bansa, dulot ng Habagat at mga bagyo.