December 13, 2025

Home BALITA National

DILG Sec. Jonvic, tiklop: 'Di na muna ako magbibiro. Kahit si VP, pinuna ako!'

DILG Sec. Jonvic, tiklop: 'Di na muna ako magbibiro. Kahit si VP, pinuna ako!'
Photo courtesy: Jonvic Remulla, DILG (FB)

Usap-usapan ang tila pagkambyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa pabirong pag-anunsyo ng suspensyon ng mga klase at government offices para sa Biyernes, Hulyo 25, dulot pa rin ng bagyo at habagat.

Saad sa caption, hindi na muna siya magbibiro dahil pati "si VP" raw ay pinuna na siya.

"Mga Abangers,"

"Di na muna ako magbibiro. Kahit si VP, pinuna ako," mababasa sa post.

National

'Admin, Duterte group, liberal groups dapat magkaisa para sugpuin korapsyon!'—Ex-PNR Chair Macapagal

Matatandaang marami ang pumuna kay Remulla sa naging paraan niya ng pagbibigay ng anunsyo, na aniya, ay talagang estilo na niya noon pa mang gobernador siya ng Cavite.

KAUGNAY NA BALITA: Havey o waley? 'Gen Z style' posts ng DILG, umani ng reaksiyon

Kahit na nag-sorry sa mga hindi nagustuhan ang kaniyang ginawa, sinabi ni Remulla na hindi na siya magbabago dahil iyon na raw ang ugali niya.

KAUGNAY NA BALITA: Depensa ni DILG Sec. Jonvic mula sa bashers: ‘Pabiro talaga ako!’

KAUGNAY NA BALITA: Remulla, ‘di magbabago ng ugali kahit sinita na paraan ng pag-aabiso

Samantala, hindi naman direktang tinukoy kung sino ang "VP" na sinasabi niya, subalit nagkakaisa ang mga netizen na ang tinutukoy niya ay si Vice President Sara Duterte, na nagsabing dapat ay magpaka-propesyunal siya sa paghahayag ng anunsyong gaya nito.

Sa kabilang banda, ipinagtanggol naman ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang naging estilo ni Remulla.