May simpleng reaksiyon si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa posibleng bakbakan nina Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III at Davao City Vice Mayor/Acting Mayor Sebastian "Baste" Duterte.
Nakorner ng media si Castro kung ano raw ang masasabi ng Malacañang tungkol dito.
"Hindi ko alam kung matutuloy," natatawang sabi ng Presidential spox.
"Kung matuloy man, eh goodluck!" aniya na lang.
Samantala, sa isang video na lumabas sa social media, mapapanood ang pag-eensayo ni Torre sa loob ng PNP gym sa Camp Crame sa Quezon City nitong Huwebes, Hulyo 24.
Magsisilbing venue ng kanilang tapatan, kung matutuloy man at sisipot si VM Baste, ay sa Rizal Memorial Stadium sa Hulyo 27.
KAUGNAY NA BALITA: Torre, nag-eensayo na para sa suntukan nila ni Baste