December 13, 2025

Home BALITA Politics

Baste, may kondisyon bago makipagbugbugan kay Torre

Baste, may kondisyon bago makipagbugbugan kay Torre
Photo courtesy: CM Baste Duterte (FB)/Aaron Recuenco (MB)

Inilatag ni Davao City Vice Mayor Sebastian "Baste" Duterte ang kaniyang mga sariling kondisyon kung sakaling patulan niya ang boxing match nila ni Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III.

Sa kaniyang video message na naka-upload sa "CM Baste Duterte" Facebook page, sinabi ni Duterte na papayag siya sa boksing nila ni Torre kahit walang "charity" na kailangang magbenepisyo sa kanilang laban, basta't papayag ang hepe sa kaniyang sariling kondisyon.

Aniya, papayag lang siya sa suntukan nila kung sasabihin ni Torre sa kaniyang "among Presidente" na lahat ng elected officials ay kailangang sumailalim sa hair follicle drug test.

Ang hair follicle drug test ay isang makaagham na paraan upang matukoy kung gumagamit ba ng ipinagbabawal na gamot ang isang tao.

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

"Kung serious ka talaga ha, these are my conditions. Pakiusapan mo 'yang amo mo na Presidente, let it come out of his mouth that all elected officials should undergo a hair follicle drug test. Papalagan ko 'yang charity-charity mo na 'yan," anang Duterte.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Torre kaugnay sa mga binitiwang pahayag ni Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: Baste kay Torre: 'Matagal ko na talaga gustong makabugbog ng unggoy!'