December 13, 2025

Home BALITA National

Baste kay Torre: 'Matagal ko na talaga gustong makabugbog ng unggoy!'

Baste kay Torre: 'Matagal ko na talaga gustong makabugbog ng unggoy!'
Photo courtesy" PTV/CM Baste Duterte (FB)

Nagsalita na si Davao City Vice Mayor Baste Duterte sa ikinakasang "boxing match" sa pagitan nila ni Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III.

Aniya sa isang video message na naka-upload sa "CM Baste Duterte" Facebook page, "Huwag kang mag-alala Torre. Kasi matagal ko na talagang gustong makabugbog ng unggoy."

"Kung gusto mo talaga ng suntukan, bakit kailangan mo pa ng charity-charity? Why do you need a... kailangan mo pang gamitin 'yang nangyayari ngayon na baha diyan sa Metro Manila? If you are really serious about this, kung gusto mo 'yang charity na 'yan, let me lay my own conditions for the event, kung serious ka talaga ha?"

Inilatag naman ni Duterte ang kaniyang mga kondisyon na pakiusapan daw niya ang "amo niyang presidente" na lahat ng elected officials ng gobyerno ay dadaan sa "hair follicle test" upang matiyak kung gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

National

TNVS drivers, bibigyan pa rin ng pagkakataon magpaliwanag bago patawan ng penalty–LTFRB Chairman Mendoza

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Torre tungkol sa mga kondisyon ni Duterte.