December 14, 2025

Home FEATURES BALITAnaw

BALITAnaw: Mga pangalan ng bagyo noon, nakapangalan sa babae

BALITAnaw: Mga pangalan ng bagyo noon, nakapangalan sa babae
Photo courtesy: MB

Bago pa man maging "Dante" o "Emong" ang pangalan ng mga bagyo sa bansa, mula 1997 pababa ay pangalang pambabae ang ikinakabit sa mga dumarating na bagyo sa Pilipinas.

Ayon sa mga ulat, ibinahagi ng World Meteorological Organization (WMO) kamakailan na mas mabuti raw na ipangalan sa tao ang mga bagyo para mas madali itong maunawaan at matandaan ng bawat indibidwal, at nang sa gayon ay mas mapapadali rin ang kanilang disaster risk awareness at pag-iingat sa pananalasa ng mga naturang sakuna.

Kapag naman nakapasok na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang isang bagyo, papangalanan din sila ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng “Filipino-sounding names” para mas madali itong matandaan ng publiko.

Ipinangalan sa babae ang mga bagyo, at karamihan sa mga malalakas na bagyong tumama sa bansa, ay nakapangalan pa noon sa babae.

BALITAnaw

BALITAnaw: Si Andres Bonifacio bilang unang biktima ng 'election related violence'

Ngunit noong 1998, nagsagawa ng "Name-A-Bagyo" contest ang PAGASA kung saan pinagpasa nila ang mga Pilipino ng mga pangalang gusto nilang gamitin at itawag sa mga bagyong papasok sa PAR. Dito na nagsimulang lumitaw ang pangalan ng mga lalaki.

Taong 2001, nagsimula na silang magpangalan ng mga bagyong nakapangalan sa lalaki. Isa nga sa mga hindi malilimutang pangalan ng malakas na bagyong nasa pangalan ng lalaki, ay "Ondoy" noong 2009.

At sa malakas na bagyong nakapangalan naman sa babae, hindi mawawala sa isipan ng lahat ang "Yolanda" na halos magbura sa Tacloban, Leyte noong 2013.

KAUGNAY NA BALITA: Bilang at detalye: Pagbabalik-tanaw sa bagsik at hagupit ni super bagyong Yolanda

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit nakapangalan sa tao ang mga bagyo?