January 04, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Antipolo rescuers, lumaki bilang ng mga miyembro kahit hindi nag-recruit, paano?

Antipolo rescuers, lumaki bilang ng mga miyembro kahit hindi nag-recruit, paano?
Photo courtesy: Antipolo City Rescue DRRMO

Hindi man lumubay ang baha at ulan sa pagragasa at pagbuhos, walang tigil ding nagserbisyo ang Antipolo Rescue Team para sagipin ang mga kababayan nilang labis na naapektuhan ng masungit na panahon.

Ang nakatutuwa, hindi lang serbisyo ang walang tigil, pati ang mga taong nais maging parte ng samahan! Mula sa 1,000 miyembro, umabot na ang Antipolo rescuers sa bilang na 1,300.

Dala raw ito ng tawag ng pagiging lingkod-bayan at dedikasyon upang tumulong sa mga tao, sa kabila ng panganib.

Makikita sa Facebook page ng Antipolo City Rescue DRRMO na araw-gabi ang kanilang pagkilos upang iligtas ang mga nangangailangan sa kanilang bayan.

Human-Interest

Sana oil! Bakit interesado si US Pres. Donald Trump sa langis ng Venezuela?

Mababasa sa caption ng kanilang Facebook post tungkol dito, “Kahapon 1,000… Ngayon 1,300 na tayo!”

“Napakabilis ng paglago—at mas lalong tumitibay ang aming paninindigan.”

“Hindi lang ito bilang, kundi 1,300 na taong nagbibigay lakas, tiwala, at inspirasyon sa amin na patuloy na tumugon sa tawag ng serbisyo.”

“Maraming salamat po!”

“Sa bawat baha, pagguho, sakuna o pangangailangan—kasama ninyo ang Antipolo City Rescue DRRMO.”

“Lagi kaming nandito. Para sa inyo. Para sa bayan,” anila.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Radio and Telephone Operator ng Command Center of Antipolo na si Mr. Artemio Conge Jr., 227 na mga pamilya o 1,015 na mga indibidwal na raw ang nasagip ng mga rescuers simula noong humagupit ang masamang panahon. Mula raw ang mga ito sa Barangay Mayamot, Muntindilaw, at San Jose.

Gumamit din daw ang mga ito ng rescue boats (parehong manual at de-motor) upang mabilis na madala ang mga apektadong residente sa mga evacuation centers.

Samu’t saring mga puri din ang natanggap ng mga rescuers mula sa mga netizen matapos nilang sagipin ang mga nangangailangan.

Komento nila:

“Big salute sir”

“10-0 Po sa inyo Sir salute Po sa inyo”

“Keep Safe and Super Thank You. Salute All Rescuers”

Hindi inalintana ng mga ito ang dalang panganib ng masamang panahon at namayani ang pagiging lingkod-bayan nila upang tulungan ang mga residente. Patuloy ang rescue operations nila sa mga susunod na araw matapos pumasok ang bagyong ‘Dante’ at ‘Emong’ sa ating bansa.

Vincent Gutierrez/BALITA