Hinuhulaan ng mga netizen kung sinong dating karelasyon ang tinutukoy ng Kapamilya actress na si Yen Santos, na finally raw ay natapos na't inilarawan pa niya sa isang nightmare o bangungot.
Natanong kasi si Yen sa kaniyang vlog kung ano ba ang nangyari sa huling relationship niya.
Makikitang tila napabuntung-hininga pa ang aktres na tila pagpapakita ng sobrang relief sa nangyari.
"Napakalaking blessing na natapos na 'yon," saad ni Yen.
"Malaking blessing na nagising na ako sa nightmare na 'yon and I walked away kasi hindi talaga worth it."
"That kind of life drains you and you lose yourself in the process. Hindi mo gugustuhin talaga 'yong gano'ng klaseng buhay,” aniya pa.
Saad pa ni Yen, isa sa mga best decision na nagawa niya ay tuluyang umalis sa nabanggit na relasyon. Tila lumabas daw ang tunay na pagkatao ng nabanggit na karelasyon, na hindi niya nakita noong nag-meet sila.
“The person I met at the beginning, that wasn’t really him. The one I saw at the end, 'yon talaga siya. Siyempre sa una, hindi naman 'yan magpapakilala ng totoong pagkatao nila eh. Gagawin nila lahat para makuha 'yong loob mo tapos kapag nakuha na yng loob mo, unti-unti na 'yan. Doon na lalabas 'yong totoong pagkatao nila,” aniya pa.
Hindi naman pinangalanan ni Yen kung sino ang tinutukoy niya.
Pero kung babalikan, ang huling naugnay kay Yen ay si Kapuso actor-TV host Paolo Contis.
KAUGNAY NA BALITA: Yen Santos, sinulsulang hiwalayan si Paolo Contis?