Patay ang isang 55 taong gulang na lalaki matapos siyang sipain sa hagdanan ng isang inawat na customer sa isang restobar sa Barangay Daanlungsod, Alcoy, Cebu.
Ayon sa mga ulat, umawat daw ang biktimang mismong caretaker ng nasabing restobar, sa magkasintahan umanong nag-aaway. Habang umaawat, bigla umanong siyang sinipa ng isang lalaking customer—dahilan upang siya’y mahulog sa hagdanan.
Sinubukan pa siyang maisugod sa ospital ngunit idineklara siyang dead on arrival bunsod ng mga tinamong head injuries.
Samantala, nagkasa na ng hot-pursuit operation ang pulisya para sa pagtugis sa suspek na nahaharap sa kaukulang kaso.