December 22, 2025

Home BALITA

Remulla, ‘di magbabago ng ugali kahit sinita na paraan ng pag-aabiso

Remulla, ‘di magbabago ng ugali kahit sinita na paraan ng pag-aabiso
Photo Courtesy: Jonvic Remulla, DILG (FB)

Dedma si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa batikos ng publiko sa estilo niya ng pagbababa ng anunsyo hinggil sa suspensyon ng klase at trabaho sa mga paaralan at opisina ng gobyerno sa panahon ng sakuna.

Maraming netizens ang hindi nagustuhan ang ganitong atake ni Remulla. Maging ang mga celebrity na sina Jake Ejercito at Jessy Mendiola ay nagbigay ng kanilang komento patungkol dito.

MAKI-BALITA: Jessy Mendiola sa pa-cool post ng DILG: 'Is this supposed to be funny?'

KAUGNAY NA BALITA: Jake Ejercito, sinita estilo ng pag-aanunsiyo ng DILG

National

Principled partner sa Quad Comm: Benny Abante, nagbigay-pugay kay Romeo Acop

KAUGNAY NA BALITA: Havey o waley? 'Gen Z style' posts ng DILG, umani ng reaksiyon

Sa isang Facebook post ng DILG nitong Miyerkules, Hulyo 23, bagama’t humingi si Remulla ng pasensya, sinabi niyang hindi na raw siya magbabago pa.

“Ang daming letga. Pasensya na, pero hindi na ako magbabago ng ugali,” saad ni Remulla.

Dagdag pa niya, “Kung ang biro ko ay di karapat-dapat para sa inyo, tandaan ninyong wala naman akong minura, minaliit, o hinamak. Wala rin akong binola o sinabing kasinungalingan. A little humor never hurt anyone.”

Sa ngayon, hinimok niya ang publiko na bantayan ang iba pang anunsiyong ibababa niya kaugnay sa suspensyon ng klase.

“I have the full data from DOST/PAGASA… in other words, ABANG lang kayo. ‍” pahabol pa ng kalihim.

Dalawang bagyo na ang inaasahang tatama sa bansa ngayong linggo. Minomonitor na rin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang pang LPA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na nasa layong 2,340 kilometers East of Eastern Visayas.

MAKI-BALITA: 2 bagyo na! Isa pang LPA sa bansa, ganap nang bagyo