Nakarating na sa kaalaman ni GMA news reporter Nico Waje ang pagkakilig sa kaniya ng mga netizen sa paghahatid niya ng weather report nang live.
Paano ba naman kasi, kinikilig ang mga babae at beki sa angking kakyutan daw ng field reporter.
Take note, married na pala si Nico kaya sorry na lang sa mga gustong pumila sa kaniya, dahil tapos na ang pila!
Ibinahagi nga ni Nico ang isang ulat patungkol sa pagkahumaling sa kaniya sa social media, at biro pa niya, baka raw pumasok siya sa Pinoy Big Brother (PBB) dahil sa kasikatang natatanggap niya ngayon.
"Heto na po papasok na ng PBB charot," biro niya.
"Ano ba nangyayareeee?!!"
"Pa-GCash na lang pooo," aniya pa.
Pero sa mas seryosong post, nagpasalamat naman si Waje sa mga nakaka-appreciate sa kaniya, at sinaluduhan ang kapwa journalists dahil sa paghahatid ng balita sa kabila ng banta sa kaligtasan dulot ng pag-ulan at baha.
"Hi guys!"
"I saw some of your comments and reactions. Thank you so much for the kind words and please know that I appreciate y’all!
But hats off to all the journalists out there who give their all every day just to keep the public informed. I’m not the only one doing this. There are so many of us working hard behind the scenes."
"Mag-ingat tayong lahat please! Really appreciate you all! Mwa!" aniya pa.
Hindi ito ang unang beses na kinakiligan si Waje habang nagbabalita. May mga nagsabi pa ngang may resemblance siya kay Kapamilya star Kathryn Bernardo.
MAKI-BALITA: GMA news reporter, nagpakilig sa netizens habang nagbabalita