January 26, 2026

Home BALITA

Pagratsda ng AKAP ngayong tag-ulan, ibinida ni Romualdez: 'Hindi pa ito ang huli!’

Pagratsda ng AKAP ngayong tag-ulan, ibinida ni Romualdez: 'Hindi pa ito ang huli!’
Photo courtesy: Martin Romualdez/FB, via DSWD/website

Ipinagmalaki ni House Speaker Martin Romualdez ang ipapamahaging tinatayang ₱360 milyong tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Sa press relief ni Romualdez noong Martes, Hulyo 22, 2025, iginiit niyang nakatakdang makatanggap ng tig-₱10 milyon ang nasa 36 mga distritong lubhang naapektuhan ng bagyo at hanging habagat,

“At least ₱360 million in Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) funds, family food packs, and other relief items have been allocated for immediate distribution to 36 congressional districts severely affected by Typhoon Crising and the intensified southwest monsoon.” ani Romualdez. 

Dagdag pa niya, mas malayo pa raw ang mararting ng nasabing programa lalo na sa oras ng kalamidad.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

“This is just the beginning of our coordinated disaster response. Malayo pa ang mararating ng tulong na ito at hindi pa ito ang huli. Ang importante, agad nating naramdaman ang pagtulong ng administrasyong Marcos,” anang House Speaker. 

Dagdag pa niya, “Natutunan na natin ang hirap kapag huli ang aksyon. Kaya ngayon pa lang, naglatag na tayo ng tulong para hindi na kailangang maghintay pa ang mga kababayan natin.”

BASAHIN: ALAMIN: Mga depinisyong dapat malaman tungkol sa AKAP

Ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), noong Hulyo 21, tinatayang nasa 800,864 katao ang naapektuhan ng pag-iral ng masamang panahon sa bansa na nagdulot ng pagbaha at landslides.