January 05, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

News reporter, nagsalita sa pinagkatuwaang 'hanggang binti ang tuhod'

News reporter, nagsalita sa pinagkatuwaang 'hanggang binti ang tuhod'
Photo courtesy: Izzy Lee (FB)

Naglabas ng simpleng pahayag ang ABS-CBN news reporter na si Izzy Lee matapos mag-viral at pagkatuwaan ang "honest mistake" na nasabi niya habang nag-uulat ng lagay ng panahon sa TV Patrol.

Sa halip kasi na masabi niyang "hanggang binti ang baha o tubig" ang nasabi niya ay "hanggang binti ang tuhod." Bagay na hindi naman talaga maiiwasan lalo na kapag naka-live ang isang programa sa telebisyon.

Agad naman itong pinulutan sa social media ang pinagtawanan.

Kaga Martes ng gabi, Hulyo 22, nag-sorry siya sa lahat at sinabi niyang wala pa kasi siyang kain at tulog bago gawin ang pagbabalita.

Tsika at Intriga

'As a nation di tayo makausad!' Tuesday sinita mga 'eksenang airport' ng Pinoy

"Sorry po, wala pang kain at tulog. Next time kakain muna ako para hindi na hanggang binti ang tuhod. Ingat sa baha, mga Kapamilya!" aniya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Okay lang naman hanggang binti ang tuhod, wag lang magdagsaan ang mga tae hahaha cute mo, Iz!"

"A resilient attitude nating mga Pinoy, is the ability to smile and laugh at our mistakes despite a concerning situation. Ok lang po yang hanggang binti, kaysa masabi na 'hanggang dibdib na ng bibe ang tubig baha.'"

"Okay na okay lang Izzy! Ingat diyan at maraming salamat!"

"ingat lagi Izzy. kulang lang sa kain yan at nasobrahan sa pagod. nxt time stay more focused na lng before mag roll cam."

"Ma'am Izzy salamat po sa service, marami kasi sating mga kababayan ang tinitignan lang nila at ang hinihintay lang nila ay ang kamalian ng Isang tao para meron silang mapuna at mapagtawanan, Hindi nila nakikita yong hirap, pagod, puyat at sakripisyo makapag Balita lang sating mamamayan. Kudos po sa lahat ng mga news Anchor All over the world, ingat po palagi!"