Umani ng papuri mula sa netizens ang video ng isang traditional jeep na nagawa pa ring umarangkada sa kalsadang lubog sa baha paakyat sa mas maayos at patag na daan.
Isa ang social media page na Kalye Shot sa mga nag-share ng naturang video ng dilaw na traditional jeep sa gitna ng baha.
Saad ng Kalye Shot sa caption, “Yung gusto n’yo ipa-psahseout oh, parang barko.”
Bunsod nito, hindi naman naiwasan ng netizens na ikumpara ang tibay raw ng traditional jeep sa mga bagong labas na modern o e-jeep kapag sumapit na ang baha.
“Yung traditional jeep, rain or shine may baha man o wala. Pero yung modern jeep, kaunahan pa ‘yan sa mga stranded agad!”
“Modern jeep left the group! Ayun nasa baha, tumirik na.”
“Yung traditional jeep kahit ilang dekada yaka pa eh. Kahit mukhang magigiba na kaysa sa modern jeep.”
“Tsaka n’yo na i-phase out ang traditional jeep kapag kaya na rin ‘yan gawin ng modern jeep.”
“Kita n’yo yung lalim nung baha? ‘Di yan kaya ng modern jeep!”
“Paki-send ‘yan sa mga pulpolitikong mahilig sa modern jeep!”
Matatandaang hanggang sa kasalukuyan ay mainit pa ring pinagtatalunan ang full-blown na implementasyon ng traditional jeepney phaseout para sa pagpapatupad ng jeepney modernization.
KAUGNAY NA BALITA: DOTr, makikipagdayalogo sa MANIBELA sa nakaambang 3-day transpo strike