Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpapatuloy ng kanilang serbisyo sa kabila ng halos walang tigil na pag-ulan dahil sa southwest monsoon o habagat.
Sa pahayag na inilabas ng DILG nitong Miyerkules, Hulyo 23, itatakda sa work-from-home ang setup ng trabaho sa mga opisina ng ahensyang apektado ng pag-ulan.
“In light of heavy rainfall due to the Southwest Monsoon and as per OP Memorandum Circular No. 90, DILG offices in affected areas are on a work-from-home setup today, July 23, 2025 to ensure uninterrupted public service,” saad ng DILG.
Dagdag pa nila, “Key emergency units, including E911 and CODIX, will remain onsite and fully operational.”
Samantala, para naman sa oras ng kagipitan, bukas sa publiko ang Emergency Hotline na 911, o ang numero ng NDRRMC na 89111406, gayundin ang local Rescue numbers.
Sa kasalukuyan, dalawang bagyo na ang inaasahang tatama sa bansa ngayong linggo.
Binabantayan din ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang pang LPA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na nasa layong 2,340 kilometers East of Eastern Visayas.
MAKI-BALITA: 2 bagyo na! Isa pang LPA sa bansa, ganap nang bagyo