Muli na namang nalagay sa alanganin ang isang sikat na coffee shop dahil sa isyu ng inilagay na pangalan sa cups ng biniling inumin ng kanilang customer.
Viral ang Facebook post ng isang babaeng netizen matapos niyang ibahagi ang naranasan nila ng mister sa isang coffee shop.
Kuwento niya, pareho silang persons with disability o PWD. Asawa raw niya ang nagtungo sa counter para umorder ng inumin. Pagbalik daw ng asawa, iba na raw ang aura nito.
"My husband and I went to Starbucks at Festival Mall earlier to relax after work. We are both PWDs (my husband has a speech disability and I have a psychosocial disability). Since I was already tired, he was the one who ordered at the counter. When he came back to our table, nag iba yung aura nya. Then he showed me the name written on his cup," aniya.
Mababasa sa dalawang cups ang "Speech" na maaaring tumutukoy sa disability ng kaniyang mister.
Hindi naman naiwasan ng mag-asawa na makaramdam ng pagkadismaya.
"Really, Starbucks!? This is so disappointing. And then you even called out my husband based on the name written on the cup?
"This is truly disappointing," pahayag pa.
Sa update naman niya sa post, nakausap na raw nila ang manager ng coffee shop sa tinukoy na branch at humingi naman daw ng paumanhin sa kanila.
Pero ang katwiran naman niya, hindi na mababawi ang trauma na ipinaramdam sa kanila, lalo na sa asawa niya, dahil sa nangyari.
"The manager spoke with us and apologized. They acknowledged their mistake. But still, part of us — especially my husband — was humiliated by what happened. He rarely approaches people, and now it seems like he’s starting to feel traumatized even just by ordering at other restaurants. Knowing that I also have a social disability, this is just too much," aniya.
Agad na nag-viral ang post at marami ang humimok sa kaniya na magsagawa ng legal action laban sa coffee shop, lalo na't labag sa batas ang pamamahiya sa isang PWD.
Sa eksklusibong panayam ng Balita sa uploader, ibinahagi niyang nag-post siya ng karanasan sa social media upang magsilbing awareness sa publiko.
"Just for awareness. And sana di na maulit sa iba. Knowing na ang daming nag-reach out po sa akin, same scenario na ininsulto sila sa SB," pahayag pa.
Pagbabahagi pa niya, nagpadala na raw sila ng e-mail sa pamunuan ng coffee shop upang i-raise sa kanila ang naging concern.
Ibinahagi rin niyang may kinakausap na silang abogado tungkol sa nangyari.
"Nag-email na po ako. Nag-response po sila saying na planning sila makipag-usap ng personal sana... Pero ang sabi ko, will keep them updated kasi makikipag-usap pa kami sa lawyer namin later," aniya pa.
ISYU NG MALING PANGALAN
Matatandaang noong Hunyo, nag-viral ang Facebook post ng isa pang customer na nadismaya sa isang branch ng nabanggit na coffee shop dahil mali raw ang inilagay na pangalan sa cup na inorder niyang drinks dito.
Kuwento ng nagngangalang "JP" sa kaniyang post noong Hunyo 2, isa siyang loyal customer ng nabanggit na coffee shop dahil ito ang kaniyang "go-to place" para mag-relax, magbasa, gawin ang ilang mga trabaho, at mag-enjoy sa inoorder niyang cup of coffee.
Kuwento ni JP, ang naging dahilan umano ng kaniyang pagkadismaya ay pagtatama niya sa maling pangalan niyang isinulat sa cup ng barista, subalit ang ending, mali pa rin nang tinawag na siya para ibigay ang order.
Ang unang pangalan daw na isinulat ng barista sa cup ay "Jade." Itinama niya ito bilang "JP." Subalit nang i-release na ang order, "JC" na raw ang itinawag sa kaniya.
"I ordered a Grande Café Americano and a Cinnamon Danish, planning to stay awhile and read. The queue wasn’t too long. When it was my turn, the barista asked for my name (as usual) and wrote it on the cup," kuwento niya.
Sa pagpapatuloy, "When he set the cup down, I saw it read 'Jade.' I corrected him, saying it should be 'JP.' No apology, he crumpled the cup and grabbed a new one. I even spelled out the initials: It's JP, J for Juliet and P for Papa, JP."
"After that, I handed over a ₱1,000 bill for the payment. He asked if I had a smaller bill. I didn’t, but I offered to get the change later since I’d be staying there anyway. He 'borrowed' my receipt (perhaps as a reminder) but ended up giving me the change right then. And yet, he still kept the receipt with him."
"I waited for my order. A few minutes passed, and I heard a barista call out in an unpleasant tone: 'Café Americano for JC!'
I didn’t react. It wasn’t my name. I assumed someone else had a similar order. But after several more minutes and the addition of a Cinnamon Danish to the tray, I started to wonder. Still, 'JC' was being called, repeatedly and coldly, with no one stepping up."
"That’s when I realized: they meant me," aniya pa.
Dahil sa pagiging "frustrated" at "disappointed," nagdesisyon daw si JP na umalis na lang at huwag kunin ang nabanggit na order kahit bayad na ito.
KAUGNAY NA BALITA: Customer, dismayado sa sikat na coffee shop dahil mali-mali pangalan niya
ISYU NG "NO PETS ALLOWED"
Nitong Hulyo din ay naglabas naman ng open letter si Comedy Queen Ai Ai Delas Alas matapos niyang ibahagi sa social media ang pagpapaalis daw sa kanila ng alagang asong si Sailor, ng staff sa isang branch ng nabanggit na coffee shop.
Sa liham na inilathala ni Ai Ai sa kaniyang Facebook post, ikinuwento niya ang insidente kung saan pinili niyang pumasok sa isang coffee shop habang kasama ang kaniyang maliit na aso na naka-stroller.
Ayon sa kaniya, maayos silang pumasok, umorder ng inumin, at naupo sa loob ng 20 hanggang 30 minuto bago sinabihan ng staff na hindi pinapayagan ang mga alagang hayop sa loob ng establisyemento.
Bagama't malinaw sa aktres na mayroong mga patakaran ang bawat establisyemento, iginiit niyang mas mainam sana kung may malinaw na paalala o karatula sa labas ng tindahan.
"By then, it had started raining outside, making it uncomfortable and inconvenient to leave. While I fully understand and respect store policies, I kindly suggest that your team make the rules clearer upfront. A prominent sign at the entrance stating 'No Pets Allowed (Except Service Animals)' would be extremely helpful—not only for pet owners like myself but also for your staff, who must enforce the policy consistently and respectfully," aniya.
Nilinaw ni Ai Ai na hindi reklamo ang kaniyang bukas na liham, kundi isang mungkahi upang mapabuti ang karanasan ng mga customer sa kanilang coffee shop. Ayon sa kaniya, kung alam lamang niya ang patakaran mula sa simula, sana’y pinili na lang niya ang ibang lugar na mas pet-friendly, lalo na kung masama ang panahon.
"This is not a complaint, but a suggestion for improved clarity and customer experience. I hope Starbucks Philippines considers adding clearer signage to avoid confusion and ensure that all customers can make informed decisions," aniya.
"Thank you for your time, and I appreciate the service your teams provide daily."
Sa signature part ng bukas na liham, iginiit pa ni Ai Ai na siya ay "responsible pet owner and fur mom of a service dog SAILOR."
KAUGNAY NA BALITA: Open letter ni Ai Ai sa coffee shop dahil sa pet dog niya, umani ng reaksiyon
Nakipag-ugnayan ang Balita sa pamunuan ng coffee shop upang hingin ang kanilang panig subalit wala pa silang reaksiyon, tugon, o opisyal na pahayag tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.