December 13, 2025

Home SHOWBIZ

‘Kuya Kim o Daddy Kim?’: Kim Atienza, nag-outdoor weather update habang nakahubad

‘Kuya Kim o Daddy Kim?’: Kim Atienza, nag-outdoor weather update habang nakahubad
Photo courtesy: Kuya Kim Atienza/FACEBOOK

Kinagiliwan ng netizens ang kakaibang istilo ni weatherman Kuya Kim Atienza sa kanyang paglalahad ng lagay ng panahon ngayong nananalasa ang habagat at baha sa ilang bahagi ng bansa.

Makikita sa kanyang Facebook account ang isang kakaibang Kuya Kim na naglalahad ng estado ng panahon nang nakahubad at literal na nauulanan sa kalye!

Iba ito sa pormal at nakagisnang paraan ni Kuya Kim na kung saan siya ay naka-formal o casual attire at nasa loob ng isang studio.

Namangha rin ang netizens sa look at physique ni Kuya Kim.

'Personal ang pagboto!' Romnick, 'di nag-eendorso sa mga anak ng politikong iboboto

Komento nila:

“Now that is a body. Take Care Kuya Kim”

“Galing talaga [n]g result ng Crossfit [s]ir... All in one ika nga, ride n roll”

“Sana all have that kind of fit bod. Idol stay safe and [e]njoy [y]our life!!! While riding doing adventures and traveling.”

Nakakatuwang hirit naman ng isa: “Kuya Kim tank build”

Ani Kuya Kim, maganda sa balat ang pagligo sa ulan sapagkat ‘low mineral’ ito, pero ang sobrang pagbabad dito ay puwedeng magresulta sa pagkakaroon ng sipon.

Samantala, huling update ng PAGASA, as of 8:00 AM nitong Miyerkules, Hulyo 23, ganap nang naging bagyo ang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility at tinawag itong 'Emong.'

KAUGNAY NA BALITA: 2 bagyo na! Isa pang LPA sa bansa, ganap nang bagyo-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA

Inirerekomendang balita